156
Ebon parang beterano, Lady Tams nambarako
Mar 6, 2019 @ 17:25
By

Ebon parang beterano, Lady Tams nambarako

Sinuwag ng Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws ang ikalawang dikit na panalo para sa 3-2 kartada kasunod ng 25-15, 24-26, 25-22, 20-25, 15-9 five-set victory kontra University of the East (UE) Lady Warriors Miyerkoles, Marso 6, sa first round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre.

Parang beterano kung kumana si rookie Lycha Ebon na kumayod ng 21 points katuwang si Celine Domingo na umiskor ng 17 points para sa FEU.

Palitan ng set ang naging daloy ng laban kung saan patibayan ng depensa at mental toughness ang dalawang koponan.

Sa fifth set, sunod-sunod ang naging error ng UE kaya naman itinodo na ni Ebon ang kanyang mga palo kung saan tinapos niya ang laro mula sa isang atake.

Umiskor si Me-Ann Mendrez ng 21 points ngunit lumagapak naman ang kanyang Lady Warriors sa 1-3 win-loss record.

Sunod na makakaharap ng Lady Tamaraws ang Adamson Lady Falcons Marso 10 sa parehas na venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?