905

Sep 3, 2019 @ 15:07
By

Ebidensya na sana! Asawa ni Sanchez, tinapon ang cellphone bago ang Senate hearing

Nalaman umano ni Elvira Sanchez, asawa ni ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, na makakalaya na ang kanyang asawa dahil sa isang text.

Nais sanang malaman ng mga senador kung sino ang nagpadala ng mensahe, ngunit may isang problema.

Tinapon ni Elvira ang kanyang cellphone bago ang Senate hearing dahil umano sa mga death threat.

“Dala mo ba ang cellphone mo?” tanong ni Senador Dick Gordon kay Mrs. Sanchez sa pagpapatuloy ng Senate hearing ukol sa kontrobersyal na good conduct time allowance.

“Actually nga po, wala na po akong cellphone. Kanina lang po,” ayon sa misis ng convicted murderer at rapist na si Antonio Sanchez.

“Hindi ko po tinanggal ang message, ang tinaggal ko po ay sim card ko at binato ko na po ang cellphone ko dahil sa sobrang galit ko na po,” dagdag niya.

Kumpiyansa naman si Senate President Tito Sotto na makukuha pa rin ang pagkakakilanlan ng nagpadala ng mensahe basta maibigay ni Mrs. Sanchez ang numero.

Binalaan naman ni Senador Franklin Drilon si Elvira: “Kung magsisinungaling po kayo, mahuhuli namin kayo e. Kaya magsabi na kayo ng totoo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?