54
Atio-Castillo
Feb 14, 2018 @ 15:06

Ebidensiya sa Atio hazing cover-up, hawak na ng SC – Lacson

Naibigay na sa Korte Suprema ang mga ebidensya ukol sa diumano ay pagsasabwatan ng mga abogadong kasapi ng Aegis Juris fraternity para pagtakpan ang fraternity brothers na nakapatay sa hazing rites kay UST law student Horatio “Atio” Castillo III.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, isinumite niya sa Korte Suprema ang authenticated CCTV footage, authenticated pages ng Facebook chat ng mga abogado at transcripts ng mga pagdinig ng Senado.

Kaakibat iyon ng inakda niyang committee report sa pagkamatay ni Atio kung saan rekomendadong patanggalan ng lisensya ang mga abogado dahil sa cover-up na paglabag sa sinumpaang tungkulin ng mga abogado bilang mga opisyal ng korte.

Nag-iimbestiga na ang Korte Suprema para sa posibleng disbarment proceedings o pagbawi sa lisensiya ng mga abogado.

Tinitiyak ni Lacson matitibay ang mga ebidensiya kaya kailangang maging tapat ang mga abogado kapag hiningan ng Korte Suprema ng paliwanag.

“The pieces of evidence that we have attached are too glaring to ignore as they incoude authenticated CCTV footages identifying them and Facebook group chats that they themselves created and communicated revealing their acts to cover up the tragic fate of their fraternity brothers’ hazing victim,” ani Lacson.

“I will advise the lawyers that we have recommended to be disciplined to be very truthful when they submit their written comments as required by the SC,” pahayag ni Lacson. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?