173

Nov 20, 2019 @ 21:53
By

Ebak ng aso ginawang bricks

Nakaisip ng paraan ang mga estudyanteng mula sa Quezon City kung paanong mapapakinabangan ang mga nagkalat na tae ng aso sa kalsada.

Sa naging research project ng mga Grade 8 student sa Payatas, nangalap sila ng mga ebak ng aso at pinatuyo ito, ayon sa ABS-CBN report.

Matapos ay inihalo nila ito sa semento saka inihulma bilang “bio bricks”.

Kada brick ay pinaghalong 10 gramo ng ebak ng aso at 10 gramo ng semento.

Ayon sa mga estudyante, hindi lang nito mapapababa ang halaga ng mga construction kundi malilinis pa ang mga kalsada.

Samantala, umaasa naman ang science class adviser ng mga estudyante na may mag-sponsor na local government o korporasyon sa natuklasan na ito ng mga mag-aaral dahil magagamit daw ito sa mga sidewalk pavements o maliliit na istraktura gaya ng pader.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?