61

By

Eat Bulaga nag-show na sa bagong studio

Sharing is caring!

Makalipas ang 23 taon sa Broadway Centrum, lipat-studio na ang pinakamatagal nang umeere na noontime show sa Philippine television na ‘Eat Bulaga’.

Nitong Sabado ay pinasinayan na ang APT Studio sa may Marcos Highway sa Cainta, Rizal, kung saan lahat ng hosts ay nagkaroon ng performance number para ipagdiwang ang paglipat sa bagong studio.

Si ‘Baeby Baste’ ang naging opening salvo na kinanta ang theme song ng Eat Bulaga.

Nandoon din sina Allan K., Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Pauleen Luna, Luanne Dy, Rizza Mae Dizon at Maureen Wroblewitz.

Ngunit ang talagang inabangan ay ang pagpasok ng Eat Bulaga trip na sina Vic at Tito Sotto, at Joey de Leon na nasa dressing room pa kinuhanan.

Syempre present din sina Maine Mendoza at Alden Richards na naging sikat na tambalang ‘AlDub’ para sa mga Dabarkads.

Wala naman sa studio sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Anjo Yllana, Ryan Agoncillo at Jimmy Santos na nakisaya sa mga Dabarkads sa Cavite para sa ‘Juan for All, All for Juan’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?