581

By

‘Eat Bulaga’ lipat Cainta na

Sharing is caring!

Matapos ang 23 na taon na paghahatid ng tuwa’t saya sa kanilang studio na Broadway Centrum, ngayon ang huling araw ng Dabarkads sa para na nilang “ikalawang tahanan”.

Sa kanyang Instagram ay minarkahan ni Henyo Master Joey de Leon ang paglipat nila sa bagong APT Studios ng “Eat Bulaga” na nasa Cainta.

“The homily of Father Aly Barcinal, a parish priest of The Shrine of Saint Therese of the Child Jesus along Marcos Highway, was about GRATITUDE. Eksato today is our last day sa Broadway kaya SALAMAT our studio for the past 23 years!,” sabi ni De Leon sa Instagram post.

Nang tanungin kung bakit pula ang kulay ng studio, sinabi nitong: “Eh kasi Eat Bulaga is your DAILY RED! At yung lugar na nilipatan namin ay EAT na EAT talaga kasi CAIN-TA!” sabi ni De Leon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }