194

By ,

‘Easy work’ lang si Pacman – Thurman

Nagyabang ulit si undefeated American Keith Thurman, sinabing ‘easy work’ lang si Manny Pacquiao sa nalalapit nilang laban.

Ilang beses binastos ng World Boxing Association (WBA) ‘super’ welterweight champion si eight-division titlist ‘Pacman’ sa kanilang press tour sa Amerika, na ayon sa kanya ay pagreretiruhin sa oras ng kanilang paghaharap.

Ngayon, bumanat na naman si Thurman, sa isang Instagram live video sinabi nito na isang “easy work” lang si Pacman sabay dagdag na “getting ready for [Errol] Spence or everybody after he has done away with the eight-division world champion.”

May sariling laban din si Spence kontra Shawn Porter ngayong Setyembre para sa World Boxing Council (WBC) 147-pound crown.

Hindi naman pinapatulan ni Pacquiao ang mga insulto at banat ng mas batang kalaban pero ayon sa mga malalapit sa fighting senator, nagalit daw ito nang dinamay ang Bibliya ng sinabi nito na ipapako siya sa krus.

Maghaharap sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?