15

Jan 31, 2021 @ 20:26
By

Eastern Visayas, Caraga, Davao Region uulanin dahil sa Amihan – PAGASA

Inaasahang magdadala ng bahagyang pag-ulan ang Northeast Monsoon o Amihan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region, ayon sa PAGASA ngayong Linggo.

Binalaan ng ahensya ang mga residente ng nasabing mga lugar sa posibleng pagbaha o landslide buhat ng mga pag-ulan.

Samantala, inaasahan namang magiging makulimlim sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora at Quezon dahil sa Amihan.

Inaasahan din ang kaunting pag-ulan sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?