11

Feb 17, 2021 @ 9:44
By

Eastern Visayas, 4 pang lugar uulanin

Inaasahang makararanas ng pag-ulan ang limang lugar ngayong Miyerkoles dahil sa tail-end ng frontal system.

Ang tail-end ng frontal system ay ang pagsasalubong ng malamig na hanging Amihan at ng mainit na hangin galing sa Dagat Pasipiko.

Ayon pa sa PAGASA kagabi, itong weather system ay magdadala ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas.

Habang bahagya hanggang katamtaman at paminsan ay malakas na pag-ulan naman ang inaasahang tatama sa Central Visayas, Dinagat Islands, Camiguin, at Surigao del Norte.

Kaya naman binalaan ng PAGASA ang mga residente ng mga naturang lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa buhat ng malakas o tuluy-tuloy na pag-ulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?