120

Jan 12, 2019 @ 11:43
By

Eastern Samar niyanig ng lindol

Inuga ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar kaninang madaling-araw.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bahagyang inuga ang ilang bahagi ng Hilagang-Silangan ng Borongan City bandang alas-3:39 nang madaling-araw.

Ang episentro ng lindol ay may layong 78 kilometro sa Borongan City at may lalim na siyam na kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala naming naitalang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?