68
lindol-earthquake
Dec 3, 2019 @ 14:17

Eastern Samar inuga ng sunud-sunod na lindol

Bukod sa Bagyong “Tisoy,” tinamaan din ang bayan ng Guiuan sa Silangang Samar ng sunud-sunod na lindol ngayong Martes ng umaga.

Wala namang naiulat na pinsala.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), unang tumama ang magnitude-4.2 na lindol nitong alas-12:39 ng umaga. Nasundan agad ito ng magnitude-1.9 na pagyanig, alas-12:42 ng umaga.

Muling inuga ang bayan ng magnitude 2 na lindol bandang 1:58 ng umaga, at alas-3:25 ng umaga sa parehong magnitude.

Huling tumama ang magnitude-1.8 na lindol sa parehong bayan nitong alas-4:13 ng umaga.

Wala pa ring kuryente sa Guiuan simula pa Lunes ng gabi nang manalasa si “Tisoy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?