7

Oct 20, 2020 @ 10:56
By

Eastern Samar inuga ng lindol

Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Guiuan, Eastern Samar ngayong Martes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, yumanig ang lindol dakong alas-5:03 ng umaga, Oktubre 20, sa 62 kilometro southeast ng Homonhon Island.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 15 kilometro, dagdag ng Phivolcs.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershock dulot ng lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?