140

May 11, 2019 @ 13:50
By

Eastern Samar gov inireklamo ng vote-buying

Nagsampa ng reklamong vote-buying ang dalawang residente ng Eastern Samar laban kay reelectionist Governor Marcelo Ferdinand Picardal.

Inihain ang reklamo nina Nelson Cortez at Cyril Jesus Alzate, mga residente ng Barangay 5, bayan ng Dolores, at Barangay Hindang, Borongan City, sa Commission on Elections (Comelec) headquarters sa Maynila noong Mayo 3.

Pinapanagot ng dalawa si Picardal sa pagbibigay nito ng tulong pinansiyal sa kanilang mga pamilya.

Sa affidavit na kasama sa reklamo, sinabi ng isang Ma. Nelia Rose Belas na humingi sila ng tulong noong Setyembre 4, 2018 kay Picardal nang ma-confine ang anak niya sa Eastern Samar Provincial Hospital dahil sa urinary tract infection pero hindi sila tinulungan ng gobernador.

Pero nitong Abril 2019, isang aide ni Picardal ang nagtungo sa kanilang bahay at binigyan siya ng envelope na naglalaman ng P800 at larawan ng gobernador, pati na tarpaulin na may mukha at pangalan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?