5

Mar 5, 2021 @ 16:16
By

East Avenue Medical Center namalimos pa 1K Sinovac vaccine

Umawit pa ng isang libong karagdagang doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ang pamunuan ng East Avenue Medical Center sa Quezon City, ayon sa Department of Health.

Ayon sa ulat ng GMA News, bigla umanong dumami ang mga healthcare worker sa naturang ospital na nais mabakunahan kontra COVID-19.

“On March 1, we had 791 persons or healthcare workers inoculated. as of March 2, we have a total of 2,002. That’s almost three times the number that we had on the first day so this is a reflection of the healthcare workers’ growing confidence and trust,” wika ni Health Secretary Francisco Duque III.

Magugunitang 300 doses lang ng Sinovac vaccine ang ibinigay sa nasabing ospital.

 

BASAHIN:
Sinovac vaccine ipinamigay na sa ilang ospital sa Metro Manila
 
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?