ABANTE licaunan ched education
By

Early retirement dapat nang ikonsidera ni Licuanan

Sharing is caring!

Dapat na umanong ikonsidera ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan ang maagang pagreretiro.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Representative Jericho Nograles, ang diumano’y ‘mismanagement’ ng halagang P5.275 bilyon para sa K to 12 Transition Program sa ilalim ng tanggapan ni Licuanan ay ‘preview’ ng implementasyon ng Free Higher Education Act.

“The fact that thousands of scholars did not receive their monthly stipends on time, if at all, proves that Chairperson Licuanan is unfit for the job. She should consider early retirement to save the CHED some dignity amidst the anger of more than 4,000 educator-scholars,” pagbibigay-diin ni Nograles.

Binanggit ng solon na noong Disyembre 2017, ay naglabas ng pahayag si Licuanan at ipinaliwanag na kulang diumano ng tauhan ang CHED na mag-aasikaso sa 11,000 scholarship documents.

“Kalokohan na explanation ‘yan. If you can’t handle 11,000 scholars, then you can’t handle millions more when the Free Higher Education Act is in full force,” sabi ni Nograles.

Sinasabing ang K to 12 Transition Project Management Unit ay binuo ni Licuanan at nakapailalim sa tanggapan nito.

Kadalasan ang mga scholarship ay minamanduhan ng magagaling na kawani sa ilalim ng Office of Student Development and Services.

Pero nagdesisyon umano si Licuanan na magtatag ng bagong opisina na binubuo ng contractual employees na salat umano sa karanasan pagdating sa pangangasiwa ng scholarships.

“I believe the CHED as an institution can handle the scholarships. Pero sinosolo ni Licuanan ‘yung K to 12 Program sa opisina niya. Mahirap ‘yan, lalo na malaki ang budget… P5.275 bilyon ang budget ng K to 12 Transition Program. Hindi ‘yan kaya ng isang Project Management Unit na puno ng bagito,” paliwanag ni Nograles.

Iginiit ng mambabatas na pinulitika umano ni Licuanan ang trabaho.

“Kaya ‘yung unang guidelines at requirements na hiningi sa scholars, hindi pala sapat para sa pag-release ng mga stipend. Sino kawawa? Eh ‘di ang scholars. Sino lalagot?

Wala. Hindi puwede ‘yun. Demoralized na ang mga scholars. From the best and brightest, they have been transformed into beggars,” pagdidiin nito.

Magpahanggang ngayon aniya ay nag-iisyu pa rin ng mga karagdagang rekisitos para sa mga benepisyaryong iskolar ang tanggapan ni Licuanan na tila wala nang katapusan.

“All the scholars who wrote to me have the same story to tell. The scholars comply and Licuanan denies. Tama na ang sarswelang ito. Congress should investigate this negligence,” pagtatapos ni Nograles. (Aries Cano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?