41

Oct 28, 2019 @ 21:16
By

Eala, Wong, Parantac sa PSA Forum

Sentro ng talakayan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum si tennis prodigy Alexandra Eala, Martes sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo sa Malate.

Ibabahagi ni Eala, kasalukuyang No. 13 sa world junior rankings, ang kanyang mga susunod na hakbang matapos ang World Super Juniors Tennis Championships.

Makakasama ni Eala sa 10am session ang kanyang ama na si Mike.

Dadalaw rin sa lingguhang balitaktakan na mga hatid ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel-Manila, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), sina wushu artists Agatha Wong at Daniel Parantac.

Ililitanya nina Wong at Parantac ang kanilang kampanya para sa darating na 30th Southeast Asian Games 2019 na gaganapin sa bansa.

Mapapanood ang forum ng livestreame via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswriters Association at ueere rin ng delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 mula 1-2 p.m. at 6:30 p.m.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?