16

Feb 5, 2021 @ 7:30
By

Eala pinabagsak German netter

Tatlong sets ang kinailangan ni Pinay tennis sensation Alex Eala upang makausad sa quarterfinals ng ITF W15 Manacor tournament third leg, Biyernes ng madaling araw (Manila time), Mallorca, Spain.

Pinatiklop ni 15-year-old Eala sa second round ng torneo si German netter Silvia Ambrosio sa iskor na 7(7)-6(3), 1-6, 6-3.

Matapos yumuko sa second set kontra sa 24-year-old rival, rumagasa sa ikahuling yugto ang Rafael Nadal Academy scholar upang makaabante sa quarterfinals ng torneo na may premyong $15,000.

Magugunita na namayagpag si Eala sa first leg ng kompetisyon at masungkit ang kanyang unang pro career title habang umabot naman ito sa quarterfinals ng second leg ng nabanggit na torneo kamakailan.

Nitong Pebrero, umakyat ng 248 baitang ang WTA rankings ni Eala na ngayo’y upo bilang ika-942.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?