11

Jul 20, 2021 @ 16:12
By

Eala angat sa world junior tennis rankings

Umakyat sa world no. 2 sa female junior rankings si Pinay tennis sensation Alex Eala, base sa huling ranking na inilabas ng International Tennis Federation.

Bago ito ay nasa no. 3 sa rankings si Eala, ngunit ang pagkampeon niya sa singles and doubles division ng JA Trofeo Bonfiglio sa Milan, Italy nitong weekend ang nakatulong upang umangat siya sa pwesto.

Noong Hunyo naman ay nagkampeon din siya katambal ang Russian partner sa 2021 French Open girls doubles.

Samantala, nanatili sa no. 1 spot si Victoria Kasinteva ng Andorra habang no. 3 naman si Elsa Jacquemot ng France.

Hindi pa tapos ang pananalasa ni Eala ngayong taon sapagkat sa Agosto ay sasabak siyang muli sa US Open juniors tournament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?