5

By ,

EAC General yuko, pero Sison ganado

Sharing is caring!

Natalo man ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals sa kanilang unang pagsalang sa senior men’s basketball ng 94th National Collegiate Athletic Association (NCAA), magandang laro pa rin ang ipinakita nito.

Natalo ang Generals kontra Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates 106-97 Biyernes ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan pero nagawa nitong makahabol sa laban hanggang sa tuluyan itong bumigay.

Ayon kay Generals head coach Ariel Sison, naging maganda ang hugot niya sa kanyang manlalaro at panay paalala niya sa mga ito na kailangan nilang makabalik sa laro.

“That’s why I told them that this is the time we need to bounce back and we need to get that 31 point lead to a single digit lead,” ani Sison.

Ang 31 puntos na kalamangan ng Pirates ay naibaba sa tatlo 80-77 matapos ang ikatlong yugto.

Hindi rin tinanggi ni Sison na naging malaking problema nila ang kanilang 32 turnovers.

“Ayun, yun ang pinag-usapan namin eh. Alam mo kasi yung problema namin, puro rookie yung point guard, so late yung adjustment namin hindi pa rin nila makuha buti nung third and fourth na-recover,” saad ni Sison.

Nanguna para sa EAC si Laminou Hamadou na nagtala ng 34 puntos at 16 rebounds, habang si Jerome Garcia naman ay may 20 puntos, limang rebounds, tatlong assists at isang steal.

Sunod na makakaharap ng EAC ang Arellano University Chiefs na gaganapin sa AU gym kaya naghahanda daw sila dahil siguradong malaking pressure dahil home court aniya ito ng Chiefs. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?