208

Jan 1, 2018 @ 17:54
By

E-Train bigyang-pansin sana ng DOTr – DOST

Umaasa ang Department of Science and Technology (DOST) na pansinin din sana ng mga opisyal ng Department of Transportation hybrid electric train.

Tiwala ang DOST na malaking tulong sa mga pasahero ng Philippine National Railways (PNR) para sa maginhawa nilang pagbiyahe ang hybrid electric train.

Sinabi ni Robert Dizon, executive director ng Metals Industry Research and Development Center, na possible ngayon taon ay maipasakamay na ng PNR ang hybrid train kapag natapos na ang isinasagawang P20-million upgrade.

Ang upgrade ay inirekomenda matapos matukoy ang mga isyu sa isinagawang third-party audit sa naturang mass transport project. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?