35

Sep 26, 2020 @ 16:30
By

E-scooter, e-bike na 25kph lang exempted sa rehistro – LTO

Sa kabila na tinutulak ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-regulate sa mga electric bike at scooter, sinabi ng ahensiya na may mga exception sakaling aprubahan ito.

Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, hindi na kailangan pang magparehistro ang mga e-bike at e-scooter na may maximum speed na 25 kph.

Hindi rin daw kailangan ng driver’s license ng mga gumamit ng naturang mga sasakyan.

Pero dapat ay gamitin lang iyon sa mga barangay road at bicycle lane.

Samantala, nirerebyu pa ng LTO ang guidelines para sa mga e-bike at e-scooter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?