72

Dec 28, 2017 @ 17:34
By

E-Painters, dudungisan ng Elite

Hangad ng Blackwater Elite na magbaon ng panalo sa pagpasok ng Bagong Taon sa pagsagupa nito sa tanging koponan na hindi nito natatalo na Rain or Shine, tampok na huling laro ngayong taong 2017 sa Philippine Basketball Association (PBA) sa Cuneta Astrodome.

Maghaharap sa Biyernes sa ganap na alas-4:15 ng hapon ang Blackwater na kakagaling lamang sa talo kontra sa Meralco Bolts, at ang Rain or Shine na galing naman sa panalo laban sa TNT Ka Tropa noong Disyembre 22.

“It’s going to be a good game to watch,” sabi ni Elite coach Leo Isaac. “Our defense has to hold its own against the firepower of Rain or Shine to have a good chance of winning over them.”

Kinapos sa kanilang unang laro ang Elite kontra sa Bolts bagaman kahit na talo ay naging maganda ang ‘debut’ game ng baguhang manlalaro na si Reymar Jose, na agad nagtatak sa pangalan ng 16 points sa pro-career.

Susubukan nilang kuhanin ang kanilang unang panalo sa Elasto Painters at putulin ang 10 sunod na kabiguan at para rin naman maging maganda ang kanilang pagtatapos ngayong taon.

Ang Rain or Shine naman ay una nang kumuha ng panalo sa Ka Tropa at desididong kunin ang pangalawa para naman may baon din na panalo sa pagtatapos ng taon.

Si Rey Nambatac, na galing ng Letran ay pumuntos lamang ng five points, five rebounds sa 13 minutes na binigay sa kanya ni coach Caloy Garcia para sa kanyang unang paglalaro sa pro-league.

Main game sa Biyernes ang Talk ‘N Text kontra Alaska sa alas-siyete ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?