16

Jul 30, 2021 @ 13:33
By

E-governance Act ipasa na – Go

Muling nanawagan ni Senador Christopher “Bong” Go sa kanyang mga kasama sa Kongreso na ipasa na ang inihain niyang panukala – ang E-governance Act, isa sa mga prayoridad na panukala sa huling taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang panukala alinsunod sa pananaw ng pangulo na dapat pagandahin ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng ‘responsive’ at epektibong gobyerno lalo na ngayong nasa ‘new normal’ na ang bansa dahil sa pandemya.

“Hindi na dapat nating pahirapan ang mga Pilipino sa pag-access sa serbisyo ng gobyerno. The government needs to adopt more efficient, responsive and modern ways of transacting with our citizens,” sabi ni Ho.

“Dahil sa COVID-19, kinailangan na mag-evolve ng mga transaksyon na normally ay face-to-face. This will effectively make the government more in tune with the changing times,” paliwanag pa nito.

Sa kanyang huling State of the National Address noong Lunes, hinikayat ni Duterte ang mga miyembro ng Kongreso na ipasa ang panukala na pumapayag para sa paggamit ng modernong teknolohiya para mapabilis ang access ng mga Pilipino sa serbisyo at program ng pamahalaan.

Dahil sa pandemya, sinabi ng pangulo na nakita ang kakulangan at kahinaaan sa proseso sa gobyerno kung kaya’t naantala ang paghatid ng serbisyo sa taumbayan.

“As such, I ask Congress to pass an e-governance act that will set a transition of government processes to the digital age,” sabi ni Duterte sa kanyang SONA>

Noong nagdaang taon, inihain ni Go ang Senate BIl No. 1728Duterte said in his SONA. E-Governance Act of 2020, na naglalayong magtayo ang gobyerno ng ‘integrated, interconnected, and interoperable information and resource-sharing and communications network spanning the entirety of the national and local government, an internal records management information system, an information database, and digital portals’ para sa paghahatid ng public service.

“Gamitin natin ang teknolohiya upang mailapit lalo ang gobyerno sa tao, mapagaan ang pinapasan ng taumbayan, at mabigyan sila ng serbisyong kailangan nila sa panahong hirap na hirap na ang lahat dahil sa krisis,” sabi ni Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?