13

Apr 18, 2021 @ 20:13
By

E-Gilas kampeon sa FIBA Esports Open

Sinungkit ng E-Gilas ang kampeonato sa Fiba Esports Open matapos dominahin ang Indonesia.

Sa best-of-three Finals series, nakuha agad ng Pilipinas ang dalawang magkadikit na panalo para iuwi ang tropeo sa naturang komeptisyon.

Sa first game, naghari sina Aljon ‘Shintarou’ Cruzin at Philippe ‘IzzoIV’ Herrero sa pinagsamang 45 puntos para sa 60-53 win.

Sa Game 2 naman ay nahirapan ang Gilas sa unang yugto, ngunit naging maliit din ang ring para sa Indonesia sa mga sumunod na quarter, dahilan para maitakas ng E Gilas ang 44-36 win.

“It means a lot to represent [the Philippines] again, and reclaim the Southeast Asia conference title,” ayon kay Rial ‘Rial’ Polog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?