63

Feb 29, 2020 @ 14:43
By

E-bike inararo ng truck, 1 patay

Nasawi ang isang lalaki makaraang ang minamaneho nito e-bike ay araruhin ng truck sa Lipa City, Biyernes ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Andres Tobias dahil sa mga tinamo nitong grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa report ng Lipa City police, bandang alas 4:50 ng umaga, tinatahak ng biktima ang national highway sa Barangay Sabang nang mula sa likuran ay banggain ito ng kasunod na dropside truck na minamaneho ni Kith Byron Reynoso.

Nag-overtake umano ang truck sa isa pang sasakyan subalit pagpasok muli nito sa linya ay naabot ang likuran ng e-bike.

Isinugod pa sa Metro Lipa Medical Center ang biktima subalit ideneklara na aitong patay ng doktor.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang driver ng truck.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?