32

Aug 14, 2020 @ 21:13
By

E-bike ‘di pwede ipasada

Naglabas ng abiso ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa mga bumibiyaheng e-bike.

Hindi umano pinapayagan ni Land Transportation Office chief Edgardo Galvante at ng pamahalaang lungsod ng Maynila na maging pampublikong sasakyan ito.

Bawal ding dumaan ang mga e-bike sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

https://www.facebook.com/ManilaPIO/photos/a.628912720926754/927327384418618/?type=3

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?