31

Jan 13, 2022 @ 9:00
By

Dyunakis nina Iya, Drew nahawa ng COVID

Maging ang tatlong taong gulang na anak nina Iya Villania at Drew Arellano ay nahawa na rin ng COVID.

Sa Instagram post ni Iya, ibinahagi ng TV host na nilagnat at nagsuka ang kanilang pangalawang anak na si Leon.

“I knew chances were slim but after almost a week, our little kuya (as well as our ate that takes care of Alana) has joined me on the dark side. Leon woke up with a fever and also [vomited] this morning. Geez… this Covid is so tricky ah!” saad ni Iya sa kanyang post.

Una nang nagpositibo sa virus sina Iya at Drew, dahilan para ma-isolate sila sa kanilang tahanan hiwalay sa kanilang tatlong anak.

At dahil dumarami ang nagkakasakit sa kanilang tahanan, humihirap lalo ang kanilang sitwasyon sa pag-quarantine.

“It’s not as simple as positives with positives and negatives with negatives,” kwento ni Iya. “The moment someone tests positive and is put in a room with other positives, the most recent positive’s day 1 becomes everyone else’s day 1 (did u get that?) so before having Leon join the dark side and bringing us all back to day 1, Drew and I had to decide for him to join the ‘clean’ side since he was already on day 7 (although I brought him back to day 4).”

Gayunman, nagnegatibo na umano sa dalawang antigen test si Leon, patunay na hindi na ito makakahawa.

“So now he’ll continue his quarantine on the ‘clean’ side with a mask on to help take care of Alana [whose] mother and yaya are both now in isolation,” dagdag pa ni Iya. “Still hoping for the best for Alana, Primo and our 2 other ates who are keeping the home from falling apart while I’m isolated.” (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?