95

Sep 15, 2021 @ 9:44
By

Dyunakis ni Lucban, Quezon Mayor Celso Dator inararo ng van, utas

Patay ang menor de edad na anak ni Lucban, Quezon Mayor Celso Dator matapos nitong masagasaan ng isang delivery van kasama ang isang kaibigan niya nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Guitahm Oli Dator, 17, at Sydney Saliendra, 20.

Nasapol naman sa kuha ng CCTV ang dalawa sakay ng isang motosiklo na siyang tumatawid sa isang intersection nang bigla salpukin ng van.

Dahil sa lakas ng pagtama, tumilapon ang dalawa.

Ayon sa ulat ng GMA News, agad na isinugod ang dalawa sa pagamutan ngunit nasawi rin sa Guitahm.

Samantala, nasa kritikal na kondisyon naman si Saliendra na siyang nagtamo ng malubhang head injury.

Kasalukuyang nasa kusodiya na ng Lucban Police ang drayber ng van na siyang sinampahan ng reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, at damage to properties.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?