123

Oct 4, 2021 @ 16:06
By

Dyunakis ni Jake Ejercito na si Ellie may ‘attitude’

Ibinahagi ni Jake Ejercito ang nakakatawang father-daughter converstion nila ni Ellie nang mag-fangirl ito kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Sa Twitter ni Jake, makikita ang screenshots ng pag-uusap nila ni Ellie kung saan sinabi ng bata na makikita niya si Hidilyn kasama ang kanyang mommy na si Andi Eigenmann at partner nito na si Philmar Alipayo.

Nang malaman ito, agad na humirit at nagpasuyo ng autograph mula kay Hidilyn si Jake sa kanyang anak.

Nang tanungin na ni Jake kung nakuhaan ba siya ng autograph matapos nilang magkita ni Ellie, tumugon ang bagets at sinabing: “No.”

Dahil sa nakakatawang pag-uusap ng mag-ama, umabot na sa mahigit 110k likes ang tweet ni Jake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?