By

Dyowang politiko kabado sa laban ni Rachel sa Miss Universe

Sharing is caring!

LUMIPAD na patungong Las Vegas Nevada, si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte para saksihan ang Miss Universe 2017 na gaganapin ngayong Nov. 26 (Nov. 27 ng umaga sa Pilipinas).

Ang kasintahan na si Rachel Peters ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe.

Nakaposte sa Instagram account ng asawa ni Nadine Samonte na si Richard Chua ang selfie ng grupo nila kabilang na nga si Gov. Migz habang nasa airport.

@rboy_chua, “Squad going to Vegas for the crowning of our ms universe @rachelpetersx

@migzvillafuerte @sunilboom @paco_gancayco #thisisit #bringhomethecrown.”

Hindi puwedeng hindi pumunta at personal na suportahan ni Migz si Rachel dahil sa isang interview sa CamSur Governor ng ABS-CBN 2, sinabi nitong pagagalitan siya ng kasintahan kung wala siya mismo sa pageant.

Halos araw-araw raw kausap ni Migz si Rachel sa telepono mula pa nu’ng dumating ito sa Amerika at sinabi nga ng pambato ng Pilipinas na kailangan nandoon siya sa Las Vegas para bigyan siya ng lakas ng loob.

Sabi pa ni Migz sa interview, nakakaramdam siya ng kaba sa laban ng kanyang kasintahan na dapat sana ay hindi niya maramdaman. Ibig sabihin, gusto talaga ni Gov. Migz na maabot ng girlfriend niya ang pangarap nitong maging Ms. Universe na inamin din naman niyang ganundin ang dream niya para kay Rachel. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?