170
savannah
By

Dyowa rumarampa, LeBron nagdurusa

Sharing is caring!

Habang nagdurusa si LeBron James sa ikalawang sunod na kabiguan sa Boston Celtics sa Eastern Conference Finals, nagpapakasaya naman habang rumarampa sa Asutralia ang kanyang asawa.

Naispatan ng TMZ Sports ang misis ni LeBron na si Savannah James sa Mercedes Benz Fashion Week sa Sydney nitong Miyerkules.

Una ng 14 oras ang Sydney sa Boston, oras habang binubugbog ng Boston ang Cleveland sa Game 2 Martes ng gabi.

Ginawa lahat ni James para itabla ang kanyang Cavaliers sa Celtics subalit nawalan ng saysay ang kanyang 40-point triple double effort dahil binusabos sila ng Boston, 107-94.

Lilipat ang Game 3 at Game 4 sa balwarte ng Cleveland at inaasahang babalikwas ang tropa ni James.

Bukod sa misis nito, naispatan din ang iba pang celebrity sa naturang Fashion Week sa Sydney tulad nina Shaun White, Joe Jonas at Elsa Pataky.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?