226

Sep 3, 2019 @ 10:35
By

Dyowa ni Jasmine nanumpang pinakabatang regional director ng DOT

Pormal nang nanumpa ang 29-anyos na surf entrepreneur at long-term boyfriend ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith na si Jeff Ortega bilang pinakabatang Regional Director for Tourism kahapon, Setyembre 2.


Sa kanyang Instagram post kung saan makikitang nanunumpa siya sa harap ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nagpasalamat siya sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa kalihim sa pagkakataon umanong paglingkuran ang mga Pilipino.

“Thank you to President Rodrigo Duterte for strengthening the youth and giving us an opportunity to serve the Filipino people as well as to the current Secretary of Tourism @bernsrp for trusting me with the tough but exciting new job!,” saad nito.

“I still have a long way to go but i’m looking forward to gaining more experiences during my term with my new DOT family,” dagdag ng bagong opisyal.

Nauna nang sabihin ni Ortega na gusto niya talagang pasukin ang larangan ng politika, kaya nagpapasalamat siya sa pagtitiwala sa kanya ng kalihim ng DOT.

“It was an ambition of mine to enter politics in my province but I knew that my passion was in tourism. Finally, i’m jumping in the political arena the best way I know after years of hard work! Thank you to Sec @bernsrp for trusting me and over all, letting the new generation contribute to the future development of our country. Can’t wait to get to work, Boss!,” saad ni Ortega sa hiwalay na IG post.

Proud na proud naman kay Ortega ang nobya nitong si Jasmine, na nag-post sa kanyang IG story at dumalo rin sa nasabing seremonya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?