132

Jan 2, 2018 @ 17:56
By

Dyowa ni Alden hinding-hindi ilalantad sa publiko

Wala pa ring announcement ang GMA 7 kung ano ang plano nila kay Alden Richards ngayong 2018. Wala rin kasing balita kung matutuloy na ba ang pelikulang pagsasamahan nila ni Maine Mendoza.

Pero may nakausap kaming isang magaling na Spirit Questor, Psychic, Pianist at abogadong si Nick Nañgit, nakikita raw niyang magiging bongga pa rin ang career ni Alden kahit hindi na si Maine ang kasama niya.

Bago mag-New Year ay nakausap pala ni Nick si Alden at nagulat daw ang Kapuso actor sa mga na-predict tungkol sa kanya.

Very positive pa rin daw ang vibes niya sa loveteam nina Alden at Maine, pero tila naiiba na raw kasi ang focus ni Maine ngayon.

Pahayag pa ni Nick nang nakausap namin sa radio program naming Showbiz Talk Ganern ng DZRH, “‘Yun lang si Maine, more ang focus niya is ang personal life niya, para mag-reconcile ‘yung dalawa…kasi hiwalay eh!

“Iba ‘yung public life niya, iba ‘yung personal life niya. So, nahihirapan siya.”

Kuwento pa ni Nick, “Binasahan ko siya online, and nagulat lang siya na ‘yung sinabi ko pala sa kanya is tama. Lumabas ‘yung lovers card sa Truth cards ko…lumalabas dun na ang affection niya is… family ang concern niya.

“Meron din siyang lovelife, pero he’s secretive. He won’t mention that. He won’t tell that to people. Pero meron siya. Hindi lang ‘yun ang focus niya. Hindi pa time,” dagdag na pahayag ng naturang Psychic at Spirit Questor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?