164

By

Dynasty putulin din! Vico Sotto kampi sa Toronto

Matapos patirin ni Pasig Mayor-elect Vico Sotto ang 27-taong pamumuno ng Eusebio clan sa Pasig City, tila ganito rin ang gustong mangyari ng batang alkalde sa landscape ng NBA.

At ito ay tapusin ang isa pang dinastiya na itinarak ng Golden State Warriors.

Sabado ng umaga sa Pilipinas ay diniin ng Toronto Raptors ang GSW, 105-92, at sa kauna-unahang pagkakataon ay natatatapat ang tropa ni Stephen Curry sa 3-1 disadvantage sa Finals series.

Ilang sandali lang ay ipinahayag ni Sotto ang kanyang pagsuporta sa Toronto, na halos kapareho nito ng istorya na humarap sa mga higante ng kani-kanilang larangan.

“Raptors looking to upset the Warriors. Siyempre dun tayo sa #ibanaman!” saad sa tweet ni Sotto.

Umani ng samu’t saring reaksyon ang naging pahayag ni Sotto, marami rin ang kumampi sa kanyang sentimyento.

“@HoustonRockets talaga ako… pero ngayon, mag @Raptors ako!!!!! #IbaNaman” saad ni Christine Choco.

“It’s always more exciting to root for the underdog,” tango naman ni nouvellehag.

May mga kumontra naman kay mayor, kita na marami ring mga taga-Pasig ang maka-GSW at may isang nagsabing “bandwagon” si Sotto.

“Bandwagon spotted. Peace mayor,” giit naman ni @OrtojanAthan.

Samantala, ilan pang mga politician ang naki-ride sa NBA Finals fever tulad ni Sotto.

“Pick and roll all day Raptors,” ayon kay Senador Sonny Angara na pinuri ang play ng Toronto.

“Kawhi Leonard… a legend in the making!” paghanga naman ni outgoing Senator JV Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?