10

Apr 13, 2021 @ 16:25
By

‘Dynamite’ may 1B views na sa YouTube

Nambasag muli ng record ang Korean group BTS.

Sabi sa Soompi report, ang “Dynamite” ng BTS ang naging fastest Korean group music video (MV) na umabot sa isang bilyong views sa YouTube.

Inilabas ang MV noong August 21, 2020 at nakarating na sa one-billion mark noong April 12, 2021.

As of posting, mayroon nang 1,005,179,038 views ang “Dynamite”.

Ang “Dynamite” na ang ikatlong MV ng BTS na umabot sa bilyong views matapos ang “DNA” at “Boy With Luv”.

Noong April 6, tinabunan ng “Dynamite” ang “Gentleman” ni PSY bilang longest-charting song sa Billboard’s Hot 100 sa kanilang 32-week streak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?