6

Jul 19, 2021 @ 19:33

Dylan mag-iingay sa Platinum 3×3

DIDRIBOL kasama ang Platinum Karaoke sa PBA 3×3 tournament si Philippines fourth-ranked 3×3 player Dylan Ababou.

Magugunita na huling lumaro si Ababou kasama ang Big Boss Cement-Porac sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3.

Makakasama ng 6-foot-3, 34-year-old cager sa Platinum Karaoke sina Chris de Chavez, Karl Dehesa at JR Alabanza.

“We believe talaga on our players,” hayag ni team manager Gerber Manahan. “We’re fans of the PBA and nakita na natin sila maglaro. So sa 3×3, sigurado tayo na maganda ang ipapakita nila kaya mataas ang expectations namin sa kanila.” (JAToralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?