138

Dec 25, 2017 @ 11:56

Dyip nahulog sa bangin sa North Cotabato, walo patay

Walo katao ang namatay at malubha namang nasugatan ang iba pa nang mahulog sa bangin ang isang pampasaheorng jeep sa President Roxas, North Cotabato.

Sa report ng Unang Balita ng GMA 7, nawala diumano ang preno ang dyip sa makurbang bahagi ng isang highway hanggang sa malaglag ito sa bangin na may lalim na 60 talampakan.

Punong-puno umano ng pasahero at bagahe ng dyip na umalis ito sa Kidapawan City patunong bayan ng Arakan, North Cotabato.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkikilanlan ng mga nasawi gayundin ang mga nasugatan ang aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?