118

Sep 28, 2021 @ 21:54
By

Dy todo suporta kay Ramos

Hinatid na Martes ni Philippine Super Liga star Kim Kianna Dy ng F2 Logistics sa airport ang kasintahang si Dwight Ramos pa-Japan para magsilbing Pinoy import sa 6th B.League 2021-22.

Didribol ang Gilas Pilipinas mainstay sa Toyama Grouses.

Sey ni Dy sa kanyang Instagram story , “Good luck & see you soon @dram0s.”

Kakatawanin naman ng 5-foot-10 opposite spiker ang Choco Mucho sa 2021 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Oktubre 1-7.

Unang makakabangga sa Oktubre 1 ng Flying Titans ang Nakhon Ratchasima Qminc VC ng host country.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?