24

By

Dwyane Wade sinakripisyo ang Heat para sa baby

Sharing is caring!

Nagpahayag si Dwyane Wade ng Miami Heat na isang linggo pa muli bago ito bumalik sa koponan.

Dinahilan ni Wade ang kanyang pakikipag-bonding at pag-aalaga sa kanyang newborn daughter.

Sinalubong ni Wade at ng asawa nitong aktres na si Gabrielle Union-Wade, ang kanilang baby sa pamamagitan ng surrogacy noong nakaraang linggo.

Hindi pa binabahagi ng mag-asawa ang pangalan ng baby, pero nag-post na si Wade sa kanyang Instagram account ng larawan kasama ang kanyang anak sa bahay nila sa Los Angeles.

Pang-apat na anak na ito ni Wade, mayroon siyang tatlong anak na lalaki – sina Zaire, Xavier at Zion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?