11

Oct 16, 2020 @ 17:06
By

Dwyane Wade agaw eksena sa wedding proposal

Sa dinami-dami ng tao na puwedeng mapadaan sa isang espesyal na araw, nataon pa na ang Miami Heat legend ang biglang umeksena na walang kamalay-malay.

Sa Instagram post ni Ryan Basch, napansin niya sa background ng larawan habang nagpo-propose siya sa kanyang soon-to-be bride na dumadaan pala ang three-time NBA champion na si Dwyane Wade.

Naglalakad si Wade sa beach ng Santa Barbara, California nang mapansin niya ang nagaganap na proposal ni Basch.

Natuwa ang retiradong baller at naki-picture sa dalawang ikakasal at nag-message din para sa couple.

“It was so dope to witness you guys love!” ayon kay Wade.

“I need y’all marriage to work. It’s now on my conscious haha,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?