25

Sep 19, 2020 @ 12:20
By

Dwight, Rondo secret weapon ng Lakers

Inagaw nina Dwight Howard at Rajon Rondo ang spotlight sa Game 1 ng Western Conference Finals sa pagitan ng LA Lakers at Denver Nuggets.

Instant trending sa social media ang dalawang player dahil sa kanilang vintage performance para tulungan ang Lakers na masungkit ang panalo sa iskor na 126-114.

Sa naturang laro, 13 points at dalawang block lang ang ginawa ni Dwight, ngunit ang kanyang mga highlight play at ang depensa kay Nikola Jokic ang nagtimpla ng tempo para sa Lakers.

Pinag-usapan ang kanyang mga dakdak at butata na tila nagbalik ang dating Howard na sumungkit ng tatlong Defensive Player of the Year award.

Samantala, nagbalik din ang husay ni Rondo sa playmaking kung saan kumana siya ng nine assists at efficient three of four shooting sa field.

Nalimitahan ng Lakers ang star player ng Nuggets na si Jokic na gumawa lang ng 21 points, anim na rebounds at dalawang assist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?