20

Dec 6, 2020 @ 18:30
By

Dwight Ramos hinog na sa PBA

Hindi pa man nakatutungtong sa UAAP, marami na ang naniniwala na pwedeng-pwede na pumasok sa PBA si Dwight Ramos.

Isa na diyan si Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico matapos nitong makita kung anong kayang gawin ni Ramos nang manalasa ito sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

“He does a little bit of all. Nakaka-score, depensa, ganda ng vision niya. So he gives you an all-around performance and he is tall if he plays the point guard, which is what we need in our team,” saad ni Uichico sa panayam sa ‘2OT’.

“Kung sa Gilas nga, nagagamit siya, what more doon sa PBA where he will really be a factor,” aniya pa.

Sa susunod na taon pa pormal na magsisimula ang season ni Ramos sa UAAP matapos lumipat sa ‘Pinas galing sa stint sa Cal Poly Pomona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?