31

Mar 24, 2020 @ 21:08
By

Dwight magpapakilala pa nang husto

SINO nga ba si Dwight Ramos?

Malamang ay palaisipan ngayon sa ilan kung bakit napabilang si Dwight sa Gilas 12-man lineup na sasabak sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

Wala man siyang experience pa sa pro at semi-pro league ay aktibo na itong nagpakilala sa bansang `Pinas matapos magpakita ng magandang performance noong nakaraang Pebrero kontra Indonesia.

Tumapos ito ng 5 points, 5 rebounds, 2 steals at 2 assists sa loob lamang ang 16 minutong playing time.

Nakalinya naman si Dwight sa susunod na UAAP season para sa koponang Ateneo.

Bago pa makilala at gumawa ng sariling pangalan sa bansa ay sumabak na si Dwight sa US NCAA Division 1 sa ilalim ng Cal State Fullerton.

Tumagal ito ng dalawang taon at lumipat naman ito sa Division 2 para naman sa Cal Poly Pomona.

Malaking puntos ang mga naging experience ni Dwight sa abroad para mapili ito ni interim Gilas head coach Mark Dickel.

“He’s got like a calmness about himself that [you need] in international basketball,” pahayag ni coach Dickel sa naunang panayam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?