36

Jun 21, 2018 @ 15:12
By

Dwight ipinamigay sa Brooklyn

Nakakaisang season pa lang ang 2004 1st overall pick na si Dwight Howard sa Charlotte Hornets ngunit empake siyang muli papunta sa kampo ng New York-based team Brooklyn Nets.

Kapalit ni Howard sina center Timofey Mozgov at tig-isang 2018 at 2019 2nd round picks.

Solido ang naging kampanya ng eight-time NBA All-Star na si Howard para sa Hornets na kumamada ng 16.6 puntos at 12.5 rebounds kada laro.

Kaya’t maraming kumuwestiyon sa desisyon ng Charlotte lalo’t malayo ang laro ng ipinalit sa kanyang si Mozgov na 4.2 puntos at 3.2 lamang ang ambag sa 31 laro noong nakaraang season.

Ito na ang ikalimang team ng 32-anyos na si Howard sa NBA na kilalang dating matinik sa depensa nang pagwagian ang NBA Defensive Player of the Year sa tatlong magkakasunod na taon, 2009 hanggang 2011.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?