282

Nov 25, 2018 @ 15:54
By

Dwight Howard nang-manyak ng bakla?

Viral ngayon sa social media ang Washington Wizards center na si Dwight Howard matapos lumantad ng ex-boyfriend umano ng manlalaro sa Twitter.

Kasalukuyang bakante si Howard ngayon dahil sa injury, ngunit gumagawa ngayon ng ingay dahil sa isang Twitter user na si Masin Elije na sinabing na-sexual harass daw siya ng manlalaro at maging ang pastor ng sentro ay niloko rin umano siya.

Sinabi pa ng nasabing indibidwal na nagpalitan umano silang dalawa ng nude pics at madalas pang magkausap sa telepono.

Ngunit nagbago raw umano ang tingin nito sa manlalaro nang matuklasan na pumupunta raw si Dwight sa isang transgender party para gumawa ng kababalaghan sa ibang mga trans.

Ito ang buong thread ng Twitter post ni Masin.

Hindi pa naman sumasagot ang kampo ni Dwight upang patotohanan o kontrahin ang nasabing mga alegasyon tungkol sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?