26

Jan 7, 2020 @ 13:54
By

Dwight Howard muling papasiklab sa Slam Dunk contest

Babalik si ‘Super Man’ para tangkain na masungkit muli ang tropeo sa NBA All-Star Weekend Slam Dunk contest ngayong season.

Ayon sa report ng The Athletic, muling sasali ang 2008 Slam Dunk champion na si Dwight Howard na naalala dahil sa ‘Super Man’ dunk nito lampas isang dekada na ang nakakaraan.

Noong sumali so Howard ng tatlong beses sa Slam Dunk contest ay nasa prime years siya ng kanyang karera, naging three time Defensive Player of the Year at nakaabot pa sa NBA Finals bilang star player ng Orlando Magic.

Sa ngayon ay tila bumabalik ang liksi ni Dwight, nag-aaverage ng 7.1 points, 6.8 rebounds at 1.4 blocks para pangunahan ang second unit ng Los Angeles Lakers.

Samantala, posibleng makasama ni Howard sa Dunk Contest si Memphis rookie Ja Morant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?