70

Jun 24, 2018 @ 19:37
By

Dwight Howard ipamimigay ng Charlotte sa Brooklyn

WALANG kaalam-alam si Dwight Howard, sa Instagram pa niya nabalitaan na iti-trade na pala siya ng Charlotte papuntang Brooklyn.

Sa comment section pa niya nalaman. Naghahanda raw siya noon para sa isang charity event nang bumulaga sa kanya ang balita.

“I found out through the comment section of one of my pictures, so I was in total shock about the whole situation,” ani Howard sa FOX Sports Radio.

Gulat daw siya dahil inakala niyang maganda naman ang season iya sa Hornets.

Pupunta raw siya sa Brooklyn, pero umaasa na mag-iiba ang ihip ng hangin.

“Actually what I think is going to happen is there’s going to be a buy out and I will make myself a free agent for the summer,” dagdag ni Howard, 32 na at mukhang nauubusan na ng oras.

Hindi rin daw siya naniniwalang kinaiinisan siya ng ilang teammates.

“I just think it’s a lot of people making up a lot of different stories and they come up with this narrative about who I am,” aniya. “My main thing is that I just want to go out there and win and give a team, any team I’ve been on, the best of me.”

Pumasok sa liga si Howard sa edad 18 bilang first pick overall ng Orlando Magic noong 2004. Nagpalipat-lipat siya sa Los Angeles Lakers, Houston Rockets, Atlanta Hawks bago sa Charlotte.
Nang talunin ng Hornets ang Atlanta 129-117 noong March, nabanggit ni Hawks guard Dennis Schroder na magaling si Howard kapag mga dating team ang kalaban. Kung naka-apat na teams na si Howard, ibig sabihin ay apat na beses lang isang taon lumalabas ang tikas niya. Lima na ngayon, dahil niligwak na siya ng Hornets. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?