35
the-rock
By

Dwayne Johnson napilitang magnakaw ng steak

Sharing is caring!

Hindi ikinahiya ng Hollywood actor na si Dwayne Johnson na minsan sa kanyang buhay ay nagawa niyang magnakaw ng steak noong 14 years old.

Nangyari raw ito noong paalisin sila sa kanilang tinitirahan sa Hawaii dahil sa isang eviction notice. Hindi rin daw nila nakain ang steak dahil wala silang lutuan sa nilipatan nilang motel.

“We were evicted and forced off the island and we didn’t have a place to live. I wound up moving to a little motel outside Nashville, Tennessee. It’s a crazy story for another time,” kuwento ni Dwayne sa pagtanggap niya ng Inspiration Award sa West Hollywood noong April 5.

Malaking bagay raw ang matanggap niya ang naturang award dahil hindi nawawala sa kanya ang mga hirap na pinagdaanan niya bago siya naging malaking Hollywood star.

“That’s why this award is really special to me, I know what it’s like not to have the security of a home, and to see your family, my mom crying because of an eviction notice,” diin pa ni Dwayne na nginingitian na lang ang mga naging pagsubok sa buhay niya.

Nakilala nga sa wrestling world si Dwayne bilang The Rock at noong pinagbida siya unang pagkakataon sa pelikulang The Scorpion King in 2002, nagtuloy-tuloy na ang paglabas niya sa mga malalaking pelikula tulad ng The Rundown, Walking Tall, Doom, The Game Plan, Race To Witch Mountain, Tooth Fairy, You Again, Fast Five, G.I. Joe: Retaliation, Pain & Gain, Fast & Furious 6, Hercules, Furious 7, San Andreas, Central Intelligence, Baywatch, Jumanji: Welcome To The Jungle at ang latest niya na Rampage at Skyscraper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?