21

Apr 13, 2021 @ 15:56
By

Dwayne Johnson interesadong mag-US president

Sumunod kaya sa yapak nina ex-President at California Gov. Ronald Reagan, California Gov. Arnold Schwarzenegger, Minnesota Gov. Jesse Ventura at iba pang Hollywood actor na nagtagumpay sa politika si Dwayne “The Rock” Johnson?

Sinabi ng wrestler-turned-actor sa NBC News na kung gusto ng mga tao na tumakbo siyang presidente sa Amerika ay posibleng pagbigyan niya ang mga ito.

Ang gusto raw niya ay pag-isahin ang United States.

“I do have that goal to unite our country, and I also feel that if this is what the people want, then I will do that,” saad ni Johnson.

“I am passionate about making sure our country is united, because a united country, as we know, is its strongest. And I want to see that for our country.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?