119

Nov 25, 2021 @ 16:43
By

Dwayne Johnson ibinigay sariling sasakyan sa fan

Sobrang generous talaga ni Dwayne “The Rock” Johnson kaya patuloy ang pagbuhos ng blessings sa kanya.

Trending sa kasalukuyan sa Netflix ang pelikulang pinagsamahan nila nina Gal Gadot at Ryan Reynolds na “Red Notice”.

Sinorpresa rin niya kamakailan ang kanyang mommy ng sariling bahay.

Ngayon naman ay isang fan ang pinasaya niya at ibinigay dito ang kanyang personal custom truck.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng Hollywood actor ang video kung paano niyang sinorpresa ang isang Navy veteran na si Oscar Rodriguez sa regalong truck.

“Today was a good day. Merry Christmas @coach_orod and enjoy your new truck,” sambit ni Johnson.

“I also wanted to do something BIG… something MASSIVE… something unforgettable for one fan. My original idea was to give away the Porsche Taycan, that I drive in the movie, Red Notice. So we reached out to Porsche, but they said no. I’ll give away my personal custom truck as the gift. My baby.”

Hindi makapaniwala ang naturang fan, napahagulgol at napayakap nang mahigpit kay Johnson.

Bukod dito, inilibre rin ni “The Rock” ang kanyang mga fan sa special theater screening ng “Red Notice”.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

 

A post shared by therock (@therock)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?